Noong ika 5 ng Agosto taong 2009 ay naihatid na sa huling hantungan ang babaeng nagbalik ng demokrasya sa Pilipinas, ang dating Pangulong Corazon C. Aquino. Namatay siya sa sakit na Colon Cancer noong Agosto 1, 2009 sa edad na 73. Si Tita Cory ang maybahay ng isa pang bayani ng pilipinas na namatay sa pagtatanggol sa demokrasya at paglaban sa diktaturyang rehimen ni Pangulong Marcos, si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na pinatay sa isang asasinasyon noong Agosto 21,1983 sa Manila International Airport habang pababa sa sinasakyang eroplano.
Sa nasaksihan ko sa ginawang seremonya ng paglilibing ay talagang nangilabot ako sa dami ng taong dumalo at naghatid kay Tita Cory sa kanyang huling hantungan. Humigit kumulang sa 300,000 katao ang dumalo,mayaman man o mahirap lahat pantay pantay sa pagkakataong ito,ang makapagbigay ng respeto at pasasalamat sa hindi matatawarang kontribusyon ni Tita Cory sa ating bansa. Kahit nung ilipat ang kanyang labi mula sa De La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral ay sinabayan din ng libu-libo katao. Inabot ng 9 na oras ang naging biyahe ng labi ng pangulo mula sa Manila Cathedral patungo sa Manila Memorial Park sa Paranaque dahil na rin sa kapal ng taong nakihatid kay Tita Cory. Ayon sa aking mga magulang at sa mga taong nakasaksi sa libing ni Sen. Ninoy Aquino, parehong pareho daw ang naging sitwasyon sa libing ni Tita Cory, mula sa trak na pinaglagyan ng kabaong na napapalibutan ng dilaw na bulaklak, mga confetti na inihuhulog mula sa mga helicopter at sa itaas ng mga gusali hanggang sa kapal ng tao na tiniis ang ulan at araw, pagod at gutom na ginagawa ang “laban sign” na syang naging simbolo noong EDSA revolution at pagpapatugtog ng mga awiting Magkaisa at Handog ng Pilipino sa Mundo. Sabi nga ng ilan parang nagbalik ang diwa ng EDSA. Maaring hindi pa ako pinapanganak noong inilibing si Ninoy at noong matagumpay na naibalik ang demokrasya sa Pilipinas at sa mga Pilipino, ngunit ang nasaksihan ko sa libing ni Tita Cory ay masasabi kong isang mahalagang kabanata ng kasaysayan na dapat naming masaksihan.
Marahil ito ang tamang panahon upang pasalamatan ko si Tita Cory para sa naging konrtribusyon niya sa ating bansa. Marahil kung hindi siya naglakas loob na tumayo at lumaban sa rehimeng Marcos, hindi sa ganito ang aking kinalakihang bansa, isang bansa na malaya at ang taung bayan ang pinakamakapangyarihan. Malaya mong naipapahayag ang iyong mga hinaing at makakagalaw ka ng walang takot. Bilang kauna unahang babaeng Pangulo ng Pilipinas at lider sa Asya, pinatunayan niya pantay pantay ang lahat, babae man o lalaki. Inalay niya ang kanyang buhay sa pagbibigay ng serbisyo sa bayan at sa kanyang kapwa. Hanggang sa huli ay patuloy siyang lumaban para sa demokrasya at sa katotohanan. Ako ay isang batang walang malay noong si Tita Cory bilang pangulo subalit alam ko na ang kanyang administrasyon ay isa sa pinakamagaling at walang kurapsyon o anumang bahid ng nakawan. Pinakita niya ang kanyang paigiging matatag at pagmamahal sa demokrasya at Pilipino ng hindi sya natinag sa 7 kudeta laban sa kanyang administrasyon.
Maraming salamat Tita Cory at tunay po kayong bayani ng makabagong panahon. Hinding hindi naming malilimutan ang iyong naging kontribusyon sa bansa at iingatan namin ang pamanang iniwan nyo ni Sen. Ninoy sa mga kabataang Pilipino, ang pagmamahal sa demokrasya.